Description
Si Jesela Roque-Galongca, mas kilala bilang Lala Roque ay isang mamahayag sa telebisyon at radyo sa Pilipinas. Nag-uulat siya ng balita sa GMA Network at DZBB-AM. Kilala siya sa kanyang palatuntunan sa radyo na One on One With Igan Kasama Si Lala Roque sa DZBB kung saan kasama niya si Arnold Clavio. A ng isa pa niyang programa sa radyo, Super Balita sa Tanghali Nationwide, kasama si Orly Trinidad ay nanalo bilang Pinakamahusay na Programang Pambalita sa ika-42 Catholic Mass Media Awards. Sa telebisyon, taga-ulat siya sa 24 Oras at sa GMA Flash Report sa GMA Network. Isa rin siya sa mga taga-ulat sa Brigada sa GMA News TV Nagtapos si Roque ng Batsilyer ng Sining sa Maramihang Komunikasyon sa Kolehiyong Miriam kung saan nagsibli siya bilang Pangulo ng Konseho ng Mag-aaral. Kasal si Roque kay Ronnie Galongca at naitampok ang kanilang kuwento sa isang episode ng Wagas na pinamagatang "The Lala Roque and Ronnie Galongca Love Story. Si Julie Anne San Jose ang gumanap bilang si Lala habang si Jeric Gonzales naman ang gumanap bilang si Ronnie. Maliban sa pagiging mamahayag, isang tagapagturo ng zumba si Roque.
Comments
Add a comment
Samples
Pitch